Napapaisip kaba kung anung airconditioner ang balak mong bibilhin para sa iyong kwarto. Ito ang kadalasan mga tanong ng customer sam...
Napapaisip kaba kung anung airconditioner ang balak mong bibilhin para sa iyong kwarto.
Ito ang kadalasan mga tanong ng customer samin.Anu ba ang dapat kung Bibilhin na Air conditioner Secondhand ba O Bradnew?
bago ka bumili ng Aircon alamin mo dito ang mga option mo sa pagbili mo ng air conditioner baka makatulong sayo ito.
Karamihan satin ay gusto maranasan o maginhawaan ang pakiramdam sa mainit na panahon, na ang solutions ay ang pag gamit ng Air conditioner,na ang paraan lang ay ang pagbili nito basta kaya mo makabili o may pambili ka walang problema,basta kaya mo ang nakaatang na resposibilidad simula na mabili mo ito una bayad sa Kuryente Maintenace at iba.
Ang pagbili ng Air conditioner ay nakadependi, sa kakayanan ng taong bibili pero kung ang tanong mo ay anu mas magandang bibilhin yung bagong Air conditioner ba o yung Second hand na aircon.
Ang sagot ko dyan ay kung kaya ng badget nyo o may kakayanan kayong makabili ng bago,ang performance kasi ng bago ay maganda kasi nga brand new at may benifisyo pa kayo makukuha dito.
Pagbago ang bibilhin nyo una makakasiguro ka na maibabalik mo ito kung sakaling may sira o may problema ung nabili nyong unit na air conditioner, basta sakop pa sya ng warranty na binili nyo sa appliance center,at need mo din ng malaking halaga para dito.may kamahalan nga lang compare sa second hand at dependie din sa Aircon na bibilhin nyo masusulit mo naman ito at magagamit ng hanggang 5 to 10 years pataas.
Mga benifits na makukuha mo sa brand new na air conditioner.
Warranty Card 1 years to 5 years
1 year warranty sakop nito parts and Accessories,may free Cleaning nito sa ibang brand.
5 years warranty sakop nito Compressor,Condenser,and Evaporator.
kung bibilhin mo ay inverter 10 years warranty para naman sa Compressor.
at wala kanang iintindihin na problema dito dahil bago pa walang sakit sa ulo para ipagawa need mo lang sya i maintain ng linis ng filter at ipa cleaning 3 to 6 months.
Kung Second Hand naman ang ang bibilhin mo at ito ang Second options nyo at un lang ang kaya ng badget nyo mas okie para sa inyo una un lang talaga kaya nyo at pasok sa inyong badget.
Pero bago kayo bumili at disidido talaga kayo bumili ng Second hand ito ang kunting information ko about dito sana makatulong.
Tip sa pagbili ng Second hand na Air conditioner.
Tip number 1.
Itanong sa may ari o nagbibinta ng aircon kung ilang taon na nya nagamit yung aircon nya meron kasi tayong tinatawag na lifespan eh ito yung itinatagal ng buhay ng compressor,ang tinatagal ng buhay ng compressor ay 10 to 20 years kung matagal na nya ito nagamit more than 10 years medjo sulit na bawing bawi sa nagastos nya dito.
Tip number 2
Kung bibili ka ng second hand na aircon dapat nagagamit lang sya ng 1 years to 5 years may mga may ari kasi na kaya nila binibinta aircon nila una baka namamahalan sila sa kuryente o kaya gusto nila magpalit ng bago para sa nililipatan nilang bagong bahay o kaya naman may pangangailang yung nagbibinta. ng air conditioner dipindi kasi sa sitwasyon nila o kadahilanan.
Tip number 3
Bumili ng secondhand na aircon sa personal na kakilala, o sa may pwesto o sa authorized na nagbibinta nito para makakasigurado ka na maayos yan bago nila ibenta sa inyo at may maayos kayong usapan at madali nyo sila mapuntahan kung sa kaling may problema ang aircon nyo na binili sa kanila.
Tip number 4.
Dapat sigurado ka sa disisyon mo bago ka bumili kasi una bawal na ibalik yan pag nasira pag lumagpas na ng 3months kasi pag ganyan 3 months lang ang binibigay nila na warranty.
Parang love dapat sure kana dun sa taong inaalayan mo ng pag ibig para dika magsisi sa huli kunting hugot lang muna hindi po ako heart broken sadyang napapahugot lang ako dito hehe.
Tip number 5
Dapat handa ka din sa problema na dulot ng secondhand na aircon una sakit nasa ulo yan madami nang sakit nalumalabas,problema sa parts,at may kamahalan na sa kuryente,at mahina na din lumamig at iba pa diko sinabi na wag kayo bumili may mga brand na matitibay pa kahit matagal nang nagamit eh maganda pa lumamig, ito ay option nyo lang naman at kayo padin ang makakapag deside kung anu talaga gusto nyo.
Gaya din yan sa pagmamahal dapat handa ka sa posibleng mangyari ones na pinili muna sya, pero may option ka pag dika cgurado wag mong ituloy ganun lang hehe (hugot mood muna tayo)
Tip number 6.
Ang pagbili ng aircon para kalang din bumimibili ng Second hand, na sasakyan dapat may kasama kang mekaniko na marunong tumingin pag dating sa pagkilatis na maayos na makita ng sasakyan, ganun din sa pag bili ng Second hand na aircon,magtanong ka at pwede ka magpasama sa certified na aircon technician dahil alam din nila kung anung aircon na magagamit mo pa ng matagal.
Parang love lang yan nasaktan kaman ng maraming beses sa huli may mga tamang tao padin na para sayo na mag ga guide, upang turuan ka sa tamang daan HEHE malay mo sya na hehe.
Ang pagbili ng Second hand ay pangalawang option, hindi sa walang pera kundi ito ay isang matalinong disisyon, na kung alam mo naman na tama lang ang badget para dito at ito ang gusto mong bilhin at para makatipid sa iba pang gastusin kayo padin ang makapag deside ang blog na ito ay gabay lamang sa inyong pagbili kung ano ang inyong natitipuhan.kung about naman kung anung magandang brand yan ay sa susunod kung blog.
Sana makatulong sa inyo ang mga tip na ito sa inyong pag pagbili ng Air conditioner, na ito ang paraan upang makapamili kayo ng tamang air con para sa inyo at matugunan ang pangangailangan nyo sa mainit na panahon hanggang dito nalang .
Kung nagustuhan mo ang informasyon na gaya nito wag kalimutan bisitahin ang aming website at kung may katanungan kayo ay mag iwan lang ng commento sa iba para mag iwan kami ng kasagutan sa inyong mga katanungan maraming salamat sa pagbabasa ng aming blog.https//:www.aircooltechsolutions.com
COMMENTS