Bagong Aircon o Secondhand: Alin ang Mas Sulit?

0
Bagong-Aircon-o-Secondhand

Napapaisip ka ba kung anong air conditioner ang dapat mong bilhin para sa iyong kwarto? Maraming tao ang naguguluhan sa pagpili ng tamang yunit, kaya narito kami upang tulungan ka. Ang karamihan sa mga customer na lumalapit sa amin ay nagtatanong: “Ano ang mas magandang bilhin, secondhand ba o brand new na air conditioner?”

Basahin mo rin ito, baka makatulong sayo: Smart Inverter vs Inverter Aircon: What’s the Difference and Which Is More Worth It?

Bago ka bumili, mahalagang alamin ang mga opsyon na mayroon ka para sa pagbili ng air conditioner. Ang tamang desisyon ay hindi lamang nakasalalay sa presyo kundi pati na rin sa mga benepisyo at responsibilidad na kaakibat nito.

Bakit Kailangan ng Air Conditioner?


Sa panahon ng mataas na temperatura, natural lamang na maghanap tayo ng solusyon upang makamit ang kaginhawaan. Isang epektibong solusyon ang pagkakaroon ng air conditioner. Ngunit, bago ka bumili, kailangan mong isaalang-alang ang iyong kabuhayan at ang sapat na pondo para sa mga gastusin sa kuryente at maintenance sa hinaharap.

Brand New o Secondhand na Air Conditioner?


Ang pagpili sa pagitan ng brand new at secondhand na air conditioner ay nakadepende sa iyong badyet. Kung kaya ng iyong badyet at nais mo ng mas mabuting performance, mas mainam na bumili ng brand new. Ang mga bagong yunit ay kadalasang mas maganda ang kalidad at madalas itong may warranty na nag-aalok ng proteksyon laban sa anumang problema.

Mga Benepisyo ng Brand New na Air Conditioner


1. Warranty: Ang brand new na air conditioner ay may kasamang warranty card na nag-iiba mula 1 taon hanggang 5 taon. Maaring sakupin ng warranty na ito ang mga piyesa at accessories. Ang ilang mga brand ay nagbibigay din ng libreng cleaning.

Mga-Benepisyo-ng-Brand-New-na-Air-Conditioner

2. Longer Lifespan: Ang bagong air conditioner ay maaaring magtagal mula 5 hanggang 10 taon o higit pa, nang walang malaking abala.

3. Mas Kaunting Problema: Dahil ito ay bago, asahan mo ang mas kaunting isyu. Kailangan mo lamang i-maintain ang kalinisan ng filter at regular na cleaning tuwing 3 hanggang 6 na buwan.

Pagsusuri sa Secondhand na Air Conditioner


Kung limitadong badyet ang iyong pangunahing dahilan para sa pagbili ng air conditioner, maaaring maging magandang opsyon ang secondhand. Ngunit, kailangang maging maingat at mapanuri. Narito ang ilang tips para sa pagbili ng secondhand na air conditioner:

Tip 1: 

Itanong sa nagbebenta kung gaano na katagal niya ginamit ang air conditioner. Ang buhay ng compressor ay karaniwang 10 hanggang 20 taon. Kung ang yunit ay ginagamit na ng mahigit 10 taon, maaaring magduda ka na sa kondisyon nito.

maaaring-magduda ka-na

Tip 2:

Kung bibili ka ng second hand na aircon, mas mabuti kung ito ay nasa kondisyon na nagamit lamang ng 1 hanggang 5 taon. May mga nagbebenta ng kanilang aircon dahil sa iba't ibang dahilan; maaaring
namamahalan sila sa kuryente, nais nilang magpalit ng bago para sa kanilang bagong bahay, o may mga personal na pangangailangan ang nagbebenta. Mahalaga na alamin ang dahilan ng pagbebenta upang mas makapagdesisyon ka ng tama.

Tip 3:

Bumili ng secondhand na aircon mula sa mga personal na kakilala, o sa mga may tindahan o sa mga awtorisadong nagbebenta nito upang masigurado mong maayos ang kondisyon ng aircon bago nila ito ibenta sa iyo. Magandang makipag-usap nang maayos at madali mo silang mapuntahan kung sakaling magkaroon ng problema sa aircon na binili mo mula sa kanila.

Tip 4:

Siguraduhin mong tama ang desisyon mo bago bumili, dahil kadalasang hindi na ito maaaring ibalik kung ito ay masira pagkatapos ng 3 buwan, dahil iyon ang ibinibigay na warranty.

Parang sa pag-ibig, dapat sigurado ka sa taong iniibig mo upang hindi ka magsisi sa huli. (Kunting hugot lang, hindi naman ako broken-hearted, nagiging sentimental lang ako hehe.)

Tip 5:

Maging handa sa mga posibleng problema ng secondhand na aircon. Maaaring magdulot ito ng stress; maraming isyu ang maaaring lumitaw tulad ng sira sa mga piyesa, mataas na konsumo sa kuryente, o hindi na rin ito lumalamig nang maayos. Hindi ko sinasabing huwag kayong bumili dahil may mga brand pa ring matitibay kahit na ito ay secondhand. Nasa inyo pa rin ang desisyon kung ano ang nais niyong bilhin.

Maging-handa-sa-mga-posibleng-problema

Gaya sa pagmamahal, dapat handa ka sa mga posibleng mangyari kapag pinili mo siya. Kung hindi ka sigurado, huwag ipilit ang desisyon. Ganun lang yun, hehe! (Hugot mood!)

Tip 6:

Sa pagbili ng aircon, mahalaga rin na isolusyunan mo ito gaya ng pagbili ng secondhand na sasakyan. Dapat ay may kasama kang mekaniko na marunong tumingin at makilala ang kondisyon ng sasakyan. Ganun din sa pagbili ng secondhand na aircon; makipag-ugnayan ka at maaari kang magpasama sa isang sertipikadong technician sa aircon dahil sila ay may kaalaman kung anong aircon ang magagamit mo pa ng matagal.

Parang sa pag-ibig, kahit gaano ka man nasaktan, may mga tamang tao pa ring darating sa iyong buhay na makikita mo ang tamang daan.

Ang pagbili ng secondhand ay isang alternatibong opsyon; hindi ito dahil sa kakulangan sa pera kundi dahil ito ay isang matalinong desisyon. 

Konklusyon

Sa huli, ang desisyon sa pagbili ng air conditioner ay nakasalalay sa iyong personal na sitwasyon at pangangailangan. Kung may sapat na pondo ka para sa brand new, mas maraming benepisyo ang makukuha mo. Subalit, kung ang budget mo ay limitadong halaga, ang secondhand na air conditioner ay maaari ding maging praktikal na solusyon, basta't ito ay maayos na susuriin muna. Alin man ang iyong pagpipilian, siguraduhing isaalang-alang ang mga tips at impormasyon na ito upang makagawa ng tamang desisyon.

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !